Nagkaroon ng pagkakataon sina US President Donald Trump at Ukrainian President Volodymyr Zelensky na magkapag-usap sa Vatican ilang minuto bago magsimula ang funeral mass para kay Pope Francis ngayong araw ng Sabado, Abril 26.
Sa ibinahaging larawan ni Zelensky sa kaniyang X account, makikita ang dalawang lider na malapit sa isa’t isa na nag-uusap nang walang kasamang aides sa loob ng St. Peter’s Basilica.
“Good meeting. We discussed a lot one on one. Hoping for results on everything we covered. Protecting lives of our people. Full and unconditional ceasefire. Reliable and lasting peace that will prevent another war from breaking out. Very symbolic meeting that has potential to become historic, if we achieve joint results. Thank you @POTUS”, saad ni Zelensky sa kaniyang X account.
Ayon naman sa White House spokesman na kasama ni Trump, nagkita ng pribado ang dalawang lider at nagkaroon ng produktibong pag-uusap na tumagal ng 15 minuto at nagkasundo ang dalawa na ipagpatuloy ang pag-uusap kaugnay sa giyera sa Ukraine.
Ito naman ang unang pagkikita nina Trump at Zelensky ng face to face matapos ang kanilang naging mainit na sagutan habang nagpupulong sa White House noong Pebrero kung saan inakusahan ni Trump at iba pang US officials si Zelensky ng pagiging “ungrateful” niya sa suporta ng Amerika.