Nagpakita umano ng interes si US President Donald Trump na bilhin ang bansang Greenland.
Ayon sa mga naglabasang reports, kumonsulta na umano si Trump sa kaniyang mga advisers kung maaaring bilhin ng United States ang naturang autonomous Danish territory.
Naisip ng American president ang ideyang ito dahil na rin daw sa masaganag resources at geolitical importance.
Itinuring naman itong “good economic play” ng ilang adviser ni Trump habang ang iba naman ay tinaliwas ito.
Sa susunod na buwan ay nakatakdang bumisita si Trump sa Denmark ngunit ayon sa ilang source ay walang kinalaman ito sa kaniyang balak.
Mayroong 56,000 populasyon ang Greenland kung saan malugod nilang tinanggap ang U.S. military personnel sa kanilang Thule Air Base bilang parte ng treaty sa paitan ng US at Denmark.