-- Advertisements --
trump pence

Nais ni US President Donald Trump na tanggalin na ang lockdown sa kanilang bansa sa Easter Sunday sa Abril 12.

Ang nasabing petsa aniya ay mas maaga sa hula ng mga health experts na tuluyan ng matatanggal ang virus.

Paglilinaw naman nito na kaniyang pag-aaralang mabuti ang sitwasyon at kung sakaling hindi pa kailangan na tanggalin ang lockdown ay kaniya naman itong gagawin.

Magugunitang nagpatupad ng ilang linggong lockdown ang maraming estado sa Amerika dahil sa patuloy na pagdami ng mga nadadapuan ng coronavirus.

“Ultimately, the goal is to ease the guidelines and open things up to very large sections of our country as we near the end of our historic battle with the invisible enemy. Been going for a while, but we’ll win, we’ll win,” ani Trump. “What a great timeline that would be. My first priority is always the health and safety of the American people. I want everyone to understand that we are continuing to evaluate the data. We’re working with the task force and making decisions based on what is best for the interest of our fantastic country.”