-- Advertisements --
Donald Trump

Itinakda sa Hunyo 3-5 ang pagbisita ni US President Donald Trump sa United Kingdom.

Ayon sa Buckingham Palace na kabilang ang pangulo at First Lady Melania Trump sa bisita ni Queen Elizabeth.

May pagkakataon din ang pangulo na magkausap sila ni Prime Minister Theresa May.

Una ng nagkita sina Trump at Queen Elizabeth sa Windsor Castle noong ito ay nasa UK noong Hulyo 2018.

Una ng nangako si Trump kay Prime Minister May na ito bibisita sa UK mula noong ito ay mahalal noong 2016.

Ilan sa mga naimbitahan na bansa na kasabay ni Trump ay ang representative ng Canada, France, Germany, Australia, New Zealand, Belgium, Luxembourg, Poland, Norway, Denmark, Netherlands, Greece, Slovakia at Czech Republic.