-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa White House si US President-elect Donald Trump sa araw ng Huwebes.

Ayon sa White House na ilan sa mga tatalakayin nina Trump at US President Joe Biden ay ang domestic at foreign policy.

Sinabi ni US National Security Adviser Jake Sullivan, na maaring hikayatin ni Biden si Trump na huwag pabayaan ang Ukraine laban sa Russia.

Natitiyak din nito na magkakaroon ng mapayapa at kumpletong paglilipat ng kapangyarihan.

Ilan din sa mga nakapilang tatalakayin nila ay ang mga nagaganap sa Europa, Asya at Middle East.

Layon din ng White House na maging matatag ang Ukraine bago ang pagtatapos ng termino ni Biden.

Dahi dito ay maaring isagad na ni Biden ang natitirang $6 bilyon na military funding sa Ukraine.