Puspusan ang ginagawang pangangampaniya nina outgoing US Pres Donald Trump at incoming President Joe Biden ilang araw bago malalaman kung sinu-sino ang magiging majority sa Senado o US Congress.
Kapwa hinimok ng dalawang mga matataas na opisyal ang mga botante ng Georgia na iboto ang mga Senators sa ilalim ng kanilang political party.
Mahalaga ang nasabing mga boto dahil dito malalaman kung sino ang may kontrol sa senado sa pagitan ng Republican at Democrat.
Mahigit sa tatlaong milyong mga taga-Georgia ang nakapagboto na – halos 40% ng mga rehistradong botante ng estado.
Kung manalo ang mga Democrat, makokontrol nila ang lahat ng Kongreso at ang White House.
Napag-alaman na pinagsisikapan ngayon ng Republican Senate incumbents sa Georgia sina Kelly Loeffler at David Perdue ang laban kontra sa Democratic challengers na sina Jon Ossoff at Reverend Raphael Warnock.