-- Advertisements --
Nagbabala si US President Donald Trump na kaniyang papatawan ng dagdag na taripa ang China.
Ayon kay Trump na kaniya ito ng ipapatupad kapag hindi binawi ng China ang 34 percent na retalatory tariff nito sa US.
Bukod sa China ay binatikos din nito ang Japan kung saan nakausap niya sa telepono si Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba.
Dagdag pa nito na tila minaliit ng Japan ang US sa usapin ng kalakalan kaya marapat na maramdaman nila ang mataas na taripa.
Inihalimbawa nito na hindi umano tinatanggap ng Japan ang mga sasakyan ng US pero ilang milyon ang nakukuha ng Japan gaya sa agrikultura at ilan pa.
Magugunitang maraming mga bansa na ang tumawag kay Trump matapos ang ipinatupad na mataas na taripa.