-- Advertisements --

Naglabas ng ‘last warning’ si US President Donald Trump laban sa Hamas na palayain ang mga hawak nilang bihag sa Gaza.

Dagdag pa nito, nais niyang tapusin na ng Israel ang lahat at kapag magmatigas ang Hamas ay maaring walang maililigtas sa kanila.

Ang nasabing pahayag ay ilang matapos na kumpirmahin ng White House na nagkaroon sila ng direktang pakikipa-usap sa Hamas ukol sa mga natitirang mga hostages.

Una rito ay inakusahan ng Hamas si Trump na siyang sumisira sa ceasefire deal sa kanilang panig.