-- Advertisements --
Hinikayat ni US President Donald Trump si Russian President Vladimir Putin na makipagkasundo na sa Ukraine.
Sinabi nito na dapat ay bilisan ng Russia ang paglatag ng peace deal sa Ukraine at kung hindi nito ginawa ay papatawan niya ng pinabagong taripa at sanctions ang mga produkto ng Russia.
Sagot naman ni Russian deputy United Nation Ambassador Dmitry Polyanskiy, na ang banta ni Trump na pagbubuwis at sanctions sa kanila ay hindi basta magtatapos sa giyera nila sa Ukraine.
Nais muna nilang malaman kung ano ang gusto ni Trump na kasunduan para matigil ang giyera bago ang magtuloy ang kanilang bansa.
Giit nito na hindi naman responsibilidad ni Trump ang ginagawa ng US sa Ukraine mula pa noong 2014 na nagresulta sa pagiging anti-Russia.