-- Advertisements --
Donald Trump
Donald Trump

Binanatan ni US President Donald Trump ang mga opisyal ng Puerto Rico habang papalapit ang tropical storm Dorian.

Sinabi ni Trump na nakahanda ang tulong ng gobyerno dahil sa walang ginagawa ang namumuno sa Puerto Rico.

Tinawag pa nito na ang US territory na Puerto Rico bilang pinaka corrupt na lugar sa mundo.

Magugunitang taong 2017 nang magkaroon ng alitan sina Trump at San Juan Puerto Rico Mayor Carmen Yulin Cruz dahil sa pagpapalabas ng pondo nang manalasa ang Hurricane Maria.