Binantaan ni US President Donald Trump ang Canada sakaling gumanti sila sa ipinataw nilang taripa sa mga produkto nila.
Nitong Martes kasi ay naging epektibo na ang 25 porsyento na taripa sa mga produktong Canada at Mexico na dinadala sa US habang mayroong 20 percents mula sa dating 10 percents ang ipinataw sa mga produkto mula sa China.
Inalmahan ito ng mga lider ng nasabing mga bansa kung saan sinabi ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na kanilang papatawin din ng 25 percent ng mga taripa ang nasa 155 bilyong Canadian dollar na halaga ng mga produkto ng US.
Giit pa ni Trudeau na sinimulan na ng US ang tradewar kaya sila ay gumaganti lamang.
Sa pahayag naman ni Trump na ang reciprocal tariff na pagtatapat sa anumang ipinatupad ng ibang bansa ay magiging epektibo sa darating na Abril 2.