-- Advertisements --

Ikinokonsidera ni US President Donald Trump na patawan ng ‘large scale’ sanctions at tariffs ang Russia.

Sinabi ni Trump na ito ang kaniyang naiisip na ipatupad hanggang hindi magkasundo ang Russia at Ukraine na tapusin ang kaguluhan.

Dagdag pa nito na matatanggal lamang ang sanctions kapag nagkasundo na ang Russia at Ukraine.

Magugunitang nahaharap sa batikos si Trump matapos ang paglulunsad niyang US-Russia bilateral talks sa pagtatapos ng giyera.

Iginiit kasi ng mga European leaders kabilang si Ukraine President Volodymyr Zelensky na dapat ay hindi sila maiiwan sa anumang peace negotiations.