Binanatan ni US President Donald Trump ang mga Democrats gaya ng pamumuno ni House Speaker Nancy Pelosi at Senate Minority Leader Chuck Schumer dahil sa hirap silang talunin ang Republicans sa elections.
Sa panayam ng mga mamamahayag kay Trump sa United Nations Summits sa New York City, gumagawa na lamang ng paraan ang Democrats para sirain siya.
Nilinaw naman nito na kaya inilabas niya ang script ng pagtawag niya sa Ukrainian President para patunayan na nagawa niya ang tawag at hindi pa lumala ang ‘fake news’ na ipinapakalat ng kaniyang kritiko.
Magugunitang ginamit ng mga Democrats na grounds for impeachment ang ginawa nito ni Trump na pinapaimbestiga niya sa Ukraine President ang katunggali nito sa pulitika na si dating Vice President Joe Biden kung saan ang anak ni Biden ay nagtatrabaho sa malaking oil company ng Ukraine.