-- Advertisements --

Sumentro naman sa problema sa pagpasok ng mga iligal migrants ang naging talumpati ni dating US President Donald Trump.

Sa isinagawa nitong pagpupulong sa kaniyang golf course sa California, sinabi nito na labis na nakakabahala ang iligal migrant dahil sa pagtaas ng krimen sa US.

Magugunitang isa sa mga isinusulong ni Trump ay ang pagtigil sa mga iligal immigrants.

Hindi naman na ito nagbigay pa ng mga detalye kung bakit ito umatras na sa muling pakikipag-debate kay Harris.