-- Advertisements --

Binigyan ni US President Donald Trump ng dalawang Linggong ultimatum ang Russia kung talagang seryoso ito sa pagkamit ng kapayapaan sa Ukraine.

Hindi naman na nito binanggit ang hakbang na gagawin ng US sakaling pinaglalaruan lamang sila ni Russian President Vladimir Putin.

Giit kasi ni Trump na hindi na ito masaya sa nasabing sitwasyon dahil tila pinapapaikot sil a ni Putin.

Magugunitang labis na nadidismaya na si Trump dahil makailang ulit ng nagpulong ang kinatawan ng Ukraine at Russia subalit hindi pa nakakamit ang pangmatagalang peacedeal.

Inakusahan din ni Ukraine President Volodymyr Zelensky si Putin na hindi ito seryoso na makipag-ayos dahil sa patuloy ang ginagawang pag-atake nila.