-- Advertisements --
Bibisitahin ni US President Donald Trump ang estado ng Georgia upang tulungan na ikampaniya sina incumbent Republican Sens. Kelly Loeffler at David Perdue.
Aniya, magsasagawa siya ng campaign rally para sa dalawang senador.
Kinakailangan umanong manalo ang dalawang kandidato kung kaya’t umapela siya sa kaniyang mga supporters na tulungan siyang iboto ang dalawang opisyal para sa January 5 runoff elections.
Napag-alaman na sa Senado, 50 seats ang pinanghahawakan ng Republicans samantala 48 naman sa Democrats.
Kung sakaling manalo sina Democratic candidates Jon Ossoff at Raphael Warnock sa Georgia, magiging 50-50 ang bilangan ng dalawang partido. (with report from Bombo Jane Buna)