Pinatunayan ng pamilya ni US President Donald Trump na bumubuti na ang kalagayan nito matapos magpositibo sa coronavirus disease.
Si Trump ay patuloy na ginagamot sa isang military hospital.
Sa ipinamalas na larawan ng anak nito na si Ivanka Trump, makikita ang Republican President na abala sa pagpirma ng mga papel.
Hindi aniya mapipigilan ang pangulo na magtrabaho kahit pa may dinaramdam ito.
Samantala, nag-alinlangan naman ang mga doktor sa posibilidad na maaari nang umalis si Trump sa Walter Reed Military Hospital ngayong Lunes.
Inihayag ng mga ito na hindi magandang senyales ang sunod-sunod na pagbaba ng kaniyang oxygen level dahilan upang pinapainom ito ng steroid drug dexamethasone.
Una nang nilatan ng iba’t ibang klase ng gamot ang presidente ng Amerika laban sa COVID-19 kabilang na ang isang experimental drug.