-- Advertisements --
Itutuloy pa rin ang nakatakda ngayong araw na Republican National Convention (RNC) sa Milwaukee.
Ayon kay RNC chair Michael Whatley na mahigpit ang kanilang ugnayan sa mahigit 40 na iba’t-ibang uri ng alagad ng batas.
Tiniyak din kasi ni dating US President Donald Trump na ito ay dadalo sa nasabing convention kung san ang mga delegates ay inaasahan na pormal itong kikilalanin na pambato ng partido sa pagkapangulo.
Inaasahan din na magbibigay ng kaniyang talumpati si Trump na ang magigign tema ay pagkakaisa para sa US.