-- Advertisements --
Desidido si US President Donald Trump na tuparin ang banta nitong pagpataw ng 25% na border taxes sa mga produkto mula Canada at Mexico.
Ayon kay Trump na gaya ng kaniyang naipangako, ay hindi na mapipigilan ang pagpapatupad nito sa unang araw ng Pebrero.
Ang nasabing hakbang aniya ay matugunan ang problema sa mataas na bilang ng mga undocumented migrants at ang pagpasok ng fentanyl drugs sa border ng US.
Plano din ni Trump na magpataw ng dagdag na taripa sa mga produkto mula sa China.
Magugunitang noong ito ay nangangampanya ay binantaan niya na papatawan ng 60% na taripa ang mga produkto na galing sa China.