-- Advertisements --
Desidido pa rin si US President Donald Trump na makibahagi sa susunod na presidential debate.
Ayon sa Campaign Communications Director ni Trump na si Tim Murtaugh, na walang pagbabago pa rin sa nauna nilang plano na pagsali ni Trump sa susunod na debate para harapin si Democratic nominee Joe Biden.
Gaganapin sa Oktubre 15 ang nasabing debate sa Adrienne Arsth Center for the Performing Arts sa Miami, Florida.
Isang uri ng town hall debate ang gaganaping Debate.