-- Advertisements --
Nanindigan si US President-elect Donald Trump ang plano nitong paggamit ng mga military para sa pag-deport ng mga migrant na iligal na nakapasok sa US.
Sinabi nito na nakasaad kasi sa batas ng US na maari lamang magamit ang military sa maximum level ng deportation.
Nakasaad din sa batas sa US na hindi maaaring magamit ang US military hanggang hindi ito aprubado ng US Congress.
Magugunitang iginiit ni Trump na kaniyang papalayasin ang mga iligal migrants pag-upo muli nito sa puwesto.