Pinagtutuunan ngayon ng pansin ni US President Donald Trump ang pakay niyang grand nuclear deal kasama ang Russia at China.
Ayon sa mga opisyal ng administrasyong Trump, nagsasagawa ngayon ng masusing inter-agency talks ang White House upang makagawa ito ng iba’t ibang option na maaaring pagpilian ni Trump para maisapinal ang desisyon.
Ito ay ang pagbuo ni Trump ng bagong nuclear pact o New START Treaty na mawawalan ng bisa sa 2021.
Dagdag pa ng mga ito, walang binigay na timeline si Trump para sa nasabing negosasyon.
Una ng binanggit ni US Secretary Mike Pompeo na matagal nang binabalak ni Trump na i-renew ang nasabing kasunduan.
Ang 2010 New START treaty ay nililimitahan ang US at Russia pagpapadala ng 1,550 nuclear warheads sa para sa 700 delivery systems, kasama na ang intercontinental ballistic missiles, submarine-launched ballistic missiles at mga bomba.
Pinahihintulutan din ng kasunduang ito ang pagsasagawa ng 18 on-site inspections taon-taon upang magkaroon ng ideya ang isa’t isa sa kakayahan ng parehong bansa.