-- Advertisements --

Ginawaran ni US President Donald Trump ng full pardon ang nasa 1,00 rioters na sangkot sa US capitol attack noong Enero 6, 2021 kasabay ng kaniyang paglagda sa mga unang executive orders sa unang araw ng kaniyang pag-upo bilang Pangulo sa ikalawang termino.

Kabilang sa binigyan ng full, complete at unconditional presidential pardon ang ilang convicted sa mga bayolenteng gawain, na nagpapakita naman ng pagtupad ni Trump sa kaniyang naging pangako noong kampaniya na aaksyunan ang naturang mga kaso sa unang araw pa lamang.

Maliban sa pardons, nag-isyu din si Trump ng 6 na commutations sa mahigit isang dosenang mga kaso na nagpapaikli sa sentensiya para sa mga aniya’y kailangan pa ng ibayong pagsasaliksik.

Kabilang sa mga inisyuhan ng commutation ay ang founder ng far-right Oath Keepers militia na si Stewart Rhodes.

Sa paglagda ni Trump sa pardons sa Oval Office nitong gabi ng Lunes, oras sa Amerika, umaasa siyang mapapalaya din agad ang mga ito na tinawag niya bilang hostage o bihag.

Samantala, inatasan din ni Pres. Trump ang justice department na ibasura ang lahat ng nakabinbing indictments laban sa mga indibidwal na may kinalaman sa Jan. 6 riot.