-- Advertisements --

Parehong nag-o-overtime sa pangangampanya si Kamala Harris at Donald Trump upang makuha ang mga botante sa Michigan. 

Magugunitang tinalo ni Pangulong Joe Biden ang Republican na si Trump sa pamamagitan ng 155,000 margin sa Michigan noong 2020 kung saan nakakuha ito nang napakaraming suporta mula sa mga komunidad ng Muslim at Arab American.

Malaking pagbabago ito mula noong 2016, nang talunin ni Trump si Hillary Clinton sa pamamagitan ng 11,000 na boto.

Nahaharap si Harris sa mas malaking hamon dahil sa malawakang galit at pagkabigo sa patuloy na military US support para sa digmaan ng Israel sa Gaza, at ngayon ay Lebanon.

Direkta namang umapela si Trump sa komunidad ng Arab American at nangako itong tatapusin ang mga digmaan sa Middle East na personal na nakaapekto sa marami.

Samanrala, nagbigay naman si Trump ng huling pahayag ng suporta sa Pennsylvania, ang pinakamalaki sa pitong estado na inaasahang magpapasya sa halalan sa pagkapangulo sa US. 

Nagbigay na rin ng closing pitch si Harris para sa kanyang pagkapangulo sa Estados Unidos sa isang makasaysayang Black church sa battleground state ng Michigan.