Iginigiit ngayon ni U.S House of Representatives Speaker Nancy Pelosi na umamin na si President Donald Trump sa ginawa umano nitong “bribery” o panunuhol sa Ukraine.
Sinabi ito ni Pelosi sa ikalawang araw ng isinasagawang public hearings ng Democratic-led impeachment inquiry laban kay Trump.
Ayon sa top Democrat maituturin umano na panunuhol ang pakikipag-usap ni Trump kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky noong July 25 kung saan inutusan nito ang huli na imbestigahan si Joe Biden kapalit ng military aide ng Estados Unidos para sa Ukraine.
“What the president has admitted to and says it’s ‘perfect,’ I say it’s perfectly wrong. It’s bribery,” saad ni Pelosi. “The bribe is to grant or withhold military assistance in return for a public statement of a fake investigation into the elections. That’s bribery,”
Sa ilalim ng Constitution ay maituturin na isang impeacheable offense ang “treason, bribery or other high crimes and misdemeanors.”
Nakatakda namang tumayo bilang testigo si former U.S Ambassador to Ukraine Marie Yovanovitch sa Biyernes habang si White House official Mark Sandy naman ay tetestigo rin sa closed session sa Sabado,