Hihilingin ni US President Donald Trump sa Saudi Arabia at ang Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na kung maaari ay mapababa ang presyo ng produktong petrolyo.
Ito ang isa sa mga naging laman ng kaniyang virtual speech sa World Economic Forum na ginaganap sa Davos, Switzerland.
Binalaan din nito ang mga negosyante sa mundo na dapat ay sa US na sila gumawa ng kanilang produkto.
Kung hindi nila ito gagawin ay papatawan niya ng mga mataas na taripa ang kanilang mga produkto.
Plano din nitong kausapin si Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman na kung maari ay gawing isang trilyon dolyar na ang ilalaan nitong investment sa US.
Kasunod ito sa anunsiyo ng Saudi Crown Prince na balak niyang mag-invest ng $600 bilyon sa US ng magkausap sila ni Trump sa telepono.
Dagdag pa ni Trump na kapag magkita sila ng Saudi Crown Prince ay tiyak na hindi ito tatanggi kapag hiritan niya ng pagdagdag ng investment.