-- Advertisements --

Muling binanatan ni dating US president Donald Trump ang kaniyang katunggali sa pagkapangulo na si Vice President Kamala Harris.

Ginawa nito ang pahayag sa Mar-A-Lago sa Palm Beach, Florida.

Tinawag nito si Harris na “radical Leftist” habang ang runningmate nito na si Tim Walz ay tutol umano ito na magkaroon ng kaligtasan sa bansa dahil sa pagpayag na dumami pa ang mga iligal na immigrants.

Nais din ng dating pangulo na magkaroon ng tatlong debate nila ni Harris sa Setyembre 4, 10 at 27.