Nais umano ni U.S President Donald Trump na pabalikin na sa Amerika ang nasa 10,000 U.S troops na kaniyang idineploy sa Afghanistan ngunit nababahala raw ito na baka gawing kuta ng mga terorista ang nasabing bansa.
Muling inalala ni Turmp ang pakikipag-usap nito kasama ang iba’t ibang U.S military officials kung saan binanggit nito ang pagnanais na i-pull out ang mga ipinadalang tropa ng militar.
Aniya, hindi raw sang-ayon sa kaniyang balak ang mga U.S military officials na kaniyang nakausap at binalaan pa raw siya ng mga ito na mas maiging labanan ang mga terorista sa Afghanista kaysa gawin ito sa sarili nilang lupa.
Layunin naman ng isinagawang peace talks ni U.S special peace envoy Zalmay Khalilzad sa Taliban, Qatar na tuluyan nang matuldukan ang 18 taong gyera na nagaganap sa pagitan ng Qatar at Afghanistan.