-- Advertisements --
trump greenland 2

Kaagad na kinansela ni US President Donald Trump ang kaniyang dapat sana ay pakikipagpulong kay Danish Prime Minister Mette Frederiksen dahil ayon dito ay wala rin namang patutunguhan ang kanilang pagkikita.

Kaugnay ito nang pagtawag ni Frederiksen na isang malaking kalokohan ang ideya ng United States na plano umano nitong bilhin ang buong isla ng Greenland.

Inaasahan na bibisita si Trump sa nasabing bansa bilang parte ng kaniyang paglalakbay sa Europe.

Ayon kay Trump, hindi na raw nito itutuloy ang pagpunta sa Denmark dahil sa kawalan ng interes ni Frederiksen na talakayin ang pagbebenta ng Greenland sa Estados Unidos.

Kanselado na rin ang nakatakda sana nitong pakikipagkita sa Queen of Denmark.

Una nang inanunsyo ng American president ang kaniyang plano na bilhin ang Greenland matapos nitong kumonsulta sa kaniyang mga advisers kung posibleng bilhin ng United States ang naturang autonomous Danish territory.