-- Advertisements --
Nagpahayag ng kalungkutan si US President Donald Trump sa ginawang madugong pag-atake ng Russia sa Ukraine.
Sinabi ni Trump na dapat tigilan na ng Russia ang nasabing pag-atake.
Nanawagan din ito kay Russian President Vladimir Putin na tigilan na ang pag-atake sa Kyiv.
Aabot na kasi sa 5,000 sundalo umano ang nasasawi kada linggo dahil sa labanan.
Magugunitang naglunsad ng malawakang pag-atake ang Russia sa 13 lugar sa Kyive na ikinasawi ng 12 katao at ikinasugat ng 90 iba pa.
Magugunitang namamagitan ang US para isulong ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.