-- Advertisements --
US Senate impeachment trump

Tulad nang inaasahan hindi napatalsik ng mga mambabatas mula sa Democrats si US President Donald Trump sa pagtatapos ng impeachment trial nito.

Sa resulta ng mga botohan ng mga US senators nakakuha ng 53 ang “not guilty” habang 47 ang “guilty” sa unang articles of impeachment na abuse of power.

Mayroon naman 52 na senador ang bomoto ng “not guilty” at 48 ang “guilty” sa ikalawang articles of impeachment na obstruction of Congress.

Inaasahan na rin ng mga Democrats na mababasura ang impeachment case laban sa US President dahil kontrolado ng Republicans ang Senado na kaalyado ni Trump.

Nagbunsod ang impeachment laban kay Trump dahil sa ginawang pagtawag nito sa pangulo ng Ukraine para ipaimbestiga si dating US Vice President Joe Biden na kabilang sa katunggali nito sa pangkapangulo sa November elections.

Inimbitahan naman ni Chief Justice John Roberts ang mga mambabatas na magtungo sa kaniyang opisina kung may mga pagdududa sa ginawang takbo ng impeachment trial.

“Two-thirds of the senators present not having pronounced him guilty, the Senate adjudges that the respondent Donald John Trump, President of the United States, is not guilty as charged in the second article of impeachment,” bahagi nang deklarasyon ni Roberts. “It is therefore ordered and adjudged that the said Donald John Trump be, and he is hereby, acquitted of the charges in said articles.”