-- Advertisements --

Nagmatigas si US President Donald Trump na ang lahat ng mga bansa ay magkakaiba pagdating sa negosasyon ng mga taripang ipinataw.

Paliwanag nito, ituturing niya ang European Union bilang isang block o indibidwal na bansa para sa taripa.

Dahil aniya sa ipinataw na 145 percent na taripa nito sa China ay tila mabilis din na gumalaw ang EU kung saan ipinagpaliban din nila ang pagpapatupad ng counter-tariff sa US.

Una ng sinabi ni European Commission President Ursula von der Leyen na kanilang ipagpapaliban ang retaliatory tariffs sa US para bigyang tsansa ang negosasyon.

Magugunitang ipinagpaliban ni Trump ng 90-araw ang pagpapataw ng taripa sa mga bansa habang inaayos pa negosasyon.