-- Advertisements --

Hindi raw seryoso si US President Donald Trump sa kanyang planong magsagawa ng panibagong kasunduan patungkol sa nuclear arms disarmament sa pagitan ng US, Russia at China.

Ito ay sa kabila ng pag-uutos ni Trump sa kanyang administrasyon na bumuo ng paniboagong nuclear pact o New START Treaty.

Ayon kay Dmitry Peskov, isang Russian diplomat, kailangang umanong isiping mabuti ni Trump ang maaaring kalabasan ng kanyang desisyon sa ekonomiya ng tatlong bansa.