-- Advertisements --
Hiniling ni US President Donald Trump sa Supreme Court na ipasawalang bisa ang ilang milyong boto mula sa apat na battleground states.
Ang nasabing hiling ni Trump ay kasunod sa paghain sa korte na makialam sa mga kasong inihain ni Texas Attorney General Ken Paxon na ipinasawalang bisa ang ilang milyong boto mula sa Georgia, Michigan Pennsylvania at Wisconsin.
Ang nasabing mga estado ay itinuturing na battleground kung saan nakakuha ng maraming boto si President-elect Joe Biden.
Ipinagigiitan pa ni Trump na ang nasabing mga battleground states ay gumagamit ng pandemic bilang dahilan.
Umaasa pa rin ito na matutugunan ng korte hirit nila sa korte.