Hiniling ni US President-elect Donald Trump sa US Supreme Court na ipagpaliban ang paglalabas ng hatol sa kinasasangkutan nitong kaso na New York hush-money case.
Isinagawa ang paghahain nito ng petisyon dalawang araw bago ang pagpapalabas ng hatol sa kaniya.
Noong Mayo ay nahatulan si Trump sa 34 felony counts ng pamemeke ng kaniyang business records.
Dito ay napatunayan ng korte na itinago niya ang pakikipagrelasyon sa isang adult actress para hindi makasira sa kaniyang pagtakbo sa halalan noong 2016.
Noong nakaraang linggo ay ipinag-utos ni Judge Juan Merchan ang paghatol kay Trump mahigit isang linggo bago ito maupo sa opisina.
Sa inihain na mosyon ng abogado ni Trump na mahalaga na ipagliban ang paghahatol para hindi makasama sa institusyon ng pagkapangulo at makaapekto sa operasyon ng federal government.
Inatasan namang US Supreme Court ang mga prosecutors na magbigay ng kanilang kasagutan sa hiling ng kampo ni Trump ngayong araw.