Hiniling ni US President-elect Donald Trump sa Korte Suprema ng Estados Unidos na ipagpaliban ang pag-ban sa TikTok.
Naghain ang kanyang abogado ng legal brief noong Biyernes sa Korte na nagsasabing “tutol si Trump sa pagbabawal sa TikTok” at ito ay upang matugunan ang mga isyu kapag naupo na siya sa pwesto.
Itinuturing kasi ng mga mambabatas sa Amerika na banta sa kanilang seguridad kung saan magiging paraan umano ito ng China para magmatyag at makakuha ng impormasyon sa kanilang bansa.
Ang mga paratang na ibinato sa Tiktok na mayroong 170 million user sa US ang nagbunsod sa Kongreso na magpasa ng isang panukalang batas noong Abril, na nilagdaan ni Pangulong Joe Biden bilang batas.
Nangatuwiran naman ang US justice department na ang umano’y Chinese links sa Tiktok k ay nagpapakita ng banta sa pambansang seguridad – at maraming state governments ang nagpahayag ng mga alalahanin tungkol sa sikat na social media app.