-- Advertisements --
image 362

Humingi ang mga abogado ni ex-US President Donald Trump na ilipat ang petsa ng paglilitis hinggil sa federal charges na kinakaharap dahil sa umano’y pangunguntsaba para maipanalo ang 2020 election.

Nangyare ang naturang kahilingan habang isinusulong ng lead prosecutor niya na si Jack Smith ang petsa ng pagsisimula ng kaso sa Enero 2, isa sa apat na kriminal na pag-uusig na kinakaharap ni Trump sa gitna ng kanyang White House reelection campaign.

Ayon sa abogado ng nasabing ex-president, ang interes ng publiko ay nakasalalay sa hustisya at patas na paglilitis,at hindi sa pagmamadali nang paghatol.

Nakatakda namang magpasya si Judge Tanya Chutkan sa petsa ng paglilitis sa Agosto 28.

Ang naturang kaso ay ang pinakaseryoso sa apat na criminal probes na nagbunga ng dose-dosenang felony charges laban kay Trump, kabilang ang mga paratang na binayaran niya ang isang porn star para dayain ang finance rules ng kampanya bago ang 2020 election.

Inaakusahan din ng gobyerno si Trump ng maling pangangasiwa ng dose-dosenang classified documents na kinuha niya mula sa White House nang umalis siya sa opisina, kabilang ang mga planong militar at mga nuclear secret, at ang pagplano nito kasama ang kanyang mga tauhan para itago ang mga ito mula sa mga imbestigador.