-- Advertisements --

Nais ni dating US President Donald Trump na palitan ang judge na dumidinig sa kaso nitong pandaraya noong halalan.

Snabi nito na wala siyang makukuhang patas na pagdinig kay Judge Tanya Chutkan.

Si Chutkan kasi ay itinalaga noon ni dating Pangulong Barack Obama.

Hindi naman na binanggit nito ang ibang mga dahilan sa nasabing plano nitong hilingin na palitan ang judge.

Magugunitang nahaharap sa reklamo sa Trump dahil siya umano ang nag-udyok sa mga supporters nito na lumusob sa Capitol para guluhin ang bilangan kung saan malinaw na lamang si US President Joe Biden.