-- Advertisements --
Plano ng kampo ni US President-elect Donald Trump na iapela sa korte ang naging hatol sa hush-money case nito.
Ayon sa abogado niyang si Todd Blanche, na hindi sila sang-ayon sa naging desisyon ng korte kaya patuloy nilang ipaglalaban ang kaso.
Sinabi naman ni Trump na ang nasabing kaso ay isang uri para sirain ang kaniyang reputasyon.
Naghahanap lamang umano sila ng mga kaso na ikakasira ng kaniyang pangalan.
Ipinagmalaki rin nito ang panalo niya noong November 2024 election kung saan nakakuha siya ng ilang milyong boto.