Isasapormal na umano ng Estados Unidos ang pagtawag na “terrorist groups” sa mga drug cartels sa Mexico.
“They will be designated… I have been working on that for the last 90 days. You know, designation is not that easy, you have to go through a process, and we are well into that process,” wika ni US President Donald Trump.
Sinabihan na rin daw ni Trump ang Mexico na handa ang Washington na buwagin na ang mga cartel.
Bilang tugon, sambit naman ng foreign minister ng Mexico na hindi raw papayag ang kanilang bansa sa anumang paglabag sa kanilang soberenya.
Una rito, nangako si Trump na maglulunsad ito ng giyera kontra sa mga drug cartels matapos ang pag-atake sa mga US citizens sa Mexico.
Ang mga biktima, na pawang tatlong kababaihan at anim na mga kabataan, ay napatay sa isang ambush habang bumubiyahe patungo sa isang liblib na lugar sa hilagang bahagi ng bansa. (BBC)