Muling nagbanta si US President Donald Trump laban sa Iran na huwag na muli nitong hahamunin ang Estados Unidos dahil sisiguraduhin ni Trump na ito na ang magiging katapusan ng Iran.
Ito ay kasunod nang pagbagsak ng isang rocket malapit sa US embassy sa Baghdad. Nangyari ito apat na araw matapos ipag-utos ng Washinton ang pagtanggal sa lahat ng non-essential staff mula Iraq sa takot na bigla na lamang itong umatake.
Una ng kinumpirma ng US Inteligence noong nakaraang linggo na handa umano si Trump na magpadala ng halos 120,000 hukbo ng militar sa Middle East dahil sa posibilidad na pag-atake nito sa mga ka-alyadong bansa ng US.
Hindi rin daw nito hahayaan na magkaroon ng nuclear weapons ang Iran.
Hindi rin nagpahuli ng tirada si Trump nang ipagmalaki nito ang pagtiwalag ng US sa nuclear deal na nilagdaan noon ng dating presidente ng United States na si Barrack Obama.