Hindi na nakapagpigil pa si US President Donald Trump matapos kumpirmahin ni House Speaker Nancy Pelosi na itutuloy na ng House of Representatives ang impeachment inquiry laban sa kaniya.
Para sa pangulo ng Amerika, isang presidential harassment umano ang ginagawa ni Pelosi sa kaniya. Hindi raw kasi katanggap-tanggap para rito na magsagawa nang imbestigasyon laban sa kaniya lalo na kung hindi nito nakita ang transcription ng tawag nito sa Ukrainian president.
Tinawag din ni Trump na isang basura ang desisyong ito ng US Congress.
Nagbunsod ang impeachment inquiry kay Trump dahil sa pag-amin nito na kinausap niya si Ukrainian president Volodymyr Zelensky upang imbesitagahan ang umano’y korap na aktibidad sa Ukraine ni former US Vice President Joe Biden at anak nito.