Labis na ikinalungkot ni US President Donald Trump ang anunsiyo ni British Prime Minister Theresa May na ito ay magbibitiw na sa puwesto.
Sinabi ni Trump na hanga ito sa British Prime Minister dahil sa sipag nito sa trabaho at magaling na namuno ng United Kingdom.
Nakatakda kasing bumisita ang US President sa United Kingdom sa Hunyo kung saan hindi na ito magkakaroon png pagkakataon na magkita pa sila muli.
Mananatili si May hanggang sa katapusan ng Hulyo kung saan inaasahan na papalit sa kaniya ang dating foreign secretary Boris Johnson na siyang nanindigan na tuluyang aalis ang UK sa European Union.
Sa kanyang emosyonal na pahayag sa Downing Street, nanindigan itong ginawa niya ang alam niyang tama ngunit labis daw ang kanyang pagkalungkot sa hindi nito pagkakatupad sa Brexit na kanyang ipinangako.