-- Advertisements --
trump ID
US President Donald Trump

Ikinokonsidera ni US President Donald Trump ang personal na pagtestigo sa impeachment inquiry laban sa kaniya.

Sa kaniyang Twitter account sinabi nito na kinokonsidera nito ang hakbang matapos ang suhestiyon ni House Speaker Nancy Pelosi.

Magugunitang pinangungunahan ng Democrats ang nasabing impeachment hearing matapos ang pag-uusap nina Trump at Ukraine President kung saan pinapaimbestiga nito ang katunggali sa politika na si dating Vice President Joe Biden.

Tinawag naman ni Trump ang imbestigasyon na walang kuwenta.

Nitong Lunes, sinabi naman ni Pelosi na bukas ang kanilang impeachment investigation kay Trump para mailabas ang katotohanan.