Trump hindi raw nababahala sa 25th amendment kaugnay ng planong pagpapatalsik sa kaniya
Hindi umano nababahala si outgoing President Donald Trump sa 25th amendment na nagbibigay pahintulot sa kaniyang gabinete na tanggalin siya bilang pangulo ng Estados Unidos.
Ito ay sa kabila nang inilunsad ng Democrat-led US House of Representatives na resolusyon kung saan mapipilitan si Vice President Mike Pence na ipatupad ang constitutional provision.
Ginawa ng Democrats ang hakbang na ito matapos angf ginawang panggugulo ng mga taga-suporta ni Trump sa U.S. Capitol noong Enero 6.
Dahil dito ay nagkukumahog ngayon ang mga Democrats na patalsikin si Trump sa kaniyang pwesto bago ang nakatakdang inagurasyon ni incoming President Joe Biden sa Enero 20.
Bukod pa sa pagsusulong ng resolusyon sa pamamagitan ng 25th amendment ay itinutulak din ng Kongreso sa Amerika ang article of impeachment.