-- Advertisements --

Isasapubliko na sa susunod na linggo ang impeachment hearing laban kay US President Donald Trump.

Ito mismo ang kinumpirma ng mga congressional Democrats na siyang magiging kauna-unahang ilalabas sa publiko.

Unang magtetestigo ang tatlong mataas na gabinete ni Trump.

Ang nasabing pagsasapubliko ay matapos na napakinggan na ng tatlong House committees ang mga testimonya ng mga witnesses sa pamamagitan ng closed-door meeting.

Naka-sentro ang nasabing impeachment hearing sa pagtawag ni Trump sa pangulo ng Ukraine na pinapaimbestiga ang karibal nito sa pulitika na si ex-vice president Joe Biden.

Unang sasabak bilang public witness si Bill Taylor, George Kent isang cabinet member at panghuli ay si US ambassador to Ukraine Marie Yovanovitch.