-- Advertisements --
mad trump 2

Hinihingi ng US Democratic lawmakers ang mga dokumento na nag-uugnay kay US President Donald Trump sa Ukraine. Nakatakdang gamitin ang mga dokumentong ito sa impeachment inquiry laban sa American President.

Nakasaad umano sa nasabing dokumento ang kumpletong impormasyon sa phone call nina Trump at Ukrainian President Volodymyr Zelensky noong Hulyo 25.

Sa subpoena na ipinadala ng Democrats sa White House, inakusahan ng mga ito si Trump ng “stonewalling” o pagtanggi na makiisa sa isinasagawang imbestigasyon ng kongreso sa kaniya.

Inilabas ang nasabing subpoena matapos hiwalay na magpadala ng request ang tatlong miyembro ng House Inquiry committee sa opisina ni Vice President Mike Pence kung saan humihingi ang mga ito ng kopya ng naturang dokumento.

May posibilidad naman na lumutang ang isa pang whistleblower na nais din magsampa ng kaso laban sa presidente