Niluluto ngayon ng Republicans ang kanilang kampanya upang ibasua ang impeachment inquiry na inilunsad ng Democrats laban kay President Donald Trump.
Inilatag ng mga ito ang isang resolusyon dahil sa hindi raw patas na imbestigasyon kontra sa president.
44 sa 53 Republicans ang pumirma sa naturang resolusyon upang himukin ang Democratic-controlled House of Representatives na magsagawa ng pormal na botohan para mabigyan ng tsansa si Trump na makaharap ang mga whistleblower at tumawag ng sarili niyang mga saksi.
Hindi naman nakasaad sa resolusyong ito na itigil ang imbestigasyon laban kay Trump.
Sa oras na ipasa ng Kongreso ang articles of impeachment, saka lamang papayagan ang Republican-controlled Senate na magsagawa ng paglilitis kung dapat nga bang tanggalin si Trump sa kaniyang pagka-pangulo.
Two-thirds lamang ng boto mula sa mayorya ng Senado ang kinakailangan upang sipain ang American president sa kaniyang posisyon.