-- Advertisements --

Kumpiyansa ang ilang Democrats na sapat na ang mga nakalap nilang ebidensya mula sa mga testimonya na ibinahagi ng mga kasalukuyan at dating US officials upang patalsikin si US President Donald Trump.

Target din nila na matapos ang nasabing impeachment inquiry bago matapos ang taon.

Patuloy din ang pagkalap ng Democrats ng mga impormasyon na magpapatunay na inabuso ni Trump ang kaniyang kapangyarihan bilang pangulo pati na rin ang di-umano’y paglabag nito sa batas.

Sa kabila nito, nagpahayag naman ng takot ang ilan nilang ka-partido dahil maaari raw na maging sanhi ito upang ipitin ng gobyerno ang pagbibigay ng pondo kung sakaling kulangin ang kanilang pera para sa mga nakapilang federal operations sa November 21.