-- Advertisements --

Pinipilit ni US President Donald Trump na dapay umanong ihayag sa publiko ng U.S. intelligence officials ang pagkakakilanlan umano ng whistleblower na nagsampa ng kaso sa American president.

Lumutang ang di-umano’y pamimilit ni Trump kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky na imbestigahan ang kaniyang katunggali sa 2020 presidential elections na si Joe Biden at anak nito.

Ayon pa kay Trump, nararapat lamang umano na tumestigo ang nasabing whistleblower sa harapan ng Kongreso.

Patuloy naman ang isinasagawang pagdinig ng U.S. House of Representative ukol sa impeachment inquiry sa presidente.

“We must determine the Whistleblower’s identity to determine WHY this was done to the USA,” saad ni Trump sa kaniyang Twitter account.